The Web Poetry Corner
DreamMachineThe Web Poetry Corner is a Dream Machine Site
The Dream Machine --- The Imagination of the World Wide Web
Google

The Web Poetry Corner

Carmi Magno

of

Manila, Philippines

Home Authors Alphabetically Authors Date Submitted Authors Country Submission Rules Feedback



If you have comments or suggestions for Carmi Magno, you can contact him or her at:
wicked_carmi@yahoo.com (Carmi Magno)


Find a book store near you, no matter where you are located in the U.S.A.!


Cerzan

...the best independent ISP in the Twin Cities

Gypsy's Photo Gallery


Paglipas ng Kahapon

by

Carmi Magno

Matagal na rin pala ang nagdaang mga araw
Di na kita nakikita di na natatanaw
Sa gabing tahimik at paligid na mapanglaw
Larawan mo parin ang sa akin tumatanglaw

Ilang libong ulit na bang sinubukang limutin
Ang kahapong nagdaan at alaala natin?
Makailang libong beses na kung aking bibilangin
Ngunit di parin makalaya sa rehas ng damdamin

Hinayaang ikaw ay lumayo pagkat iyon ang dapat
Kung minsan kasi, pag ibig ay di parin sapat
Marami pang mga bagay na magpapaiyak
At saka tutuksuhin ang pusong dati nang may sugat.

Hindi pa ako malaya, habang ikay mayroon ng bago ng pagibig.
Luha sa mata ay patuloy paring nangingilid.
Di ko pa kayang sa iyo ay tumingin
Pagkat alam kong akoy iyong uusigin.

Walang ibang minahal sa loob ng maraming panahon,
Natapos na ang tugtugin ng dating panahon
Di pa rin nalilimot ang nagdaang mga taon
Kung saan ang pagibig koy iyo pang tinutugon.

Nasaan ka man, sa piling man niya
Nasasaktan ako, subalit masaya
Ang malaman ko lang na minamahal ka niya
Sapat na sa akin upang tuluyang kang lumigaya.

Tahimik akong patuloy na mananalangin
Nawa ang Bathala, dinggin ang dalangin
Minsan may isang araw muli tayong pagtatagpuin
Sa harap ng altar, pag ibig ay muling magniningning.